Friday, April 3, 2015

Love Quote: Kung 'di ka Masasaktan


Masakit daw umibig, palagi ka raw iiyak. palagi kang aasa at maghihintay sa wala. Sabi ko naman, ganun lang yun talaga. Dahil kung di ka masasaktan di mo malalamang nagmamahal ka na pala.

Love Quote: Heaven and Hell


Love can feel like heaven & could hurt like hell. It's true that to accept the rose, you must accept the thorns. And if you have the courage to love, you must have the courage to suffer.

Love Quote: Parang Ibon


Minsan ang love parang ibon kailangang pakawalan, kailangang palayain. Babalik yun kung sa iyo. Pero kung hindi hayaan mo na baka mas masaya siya sa pugad ng iba!

Love Quote: Huwag Piliting Magbago


Kung talagang mahal mo ang isang tao tatanggapin mo maging sino man siya. Wag mo siyang piliting magbago para sa sarili mo. Dahil kung talagang mahal ka niya kusa siyang magbabago para sa iyo.

Love Quote: Di ka Nag-iisa


Alam ko may mga problema ka, may mga kinatatakutan. Alam ko minsan pinipilit mo lang itago, pinipigil lang umiyak. Pero tandaan mo ang buhay di lang dinadala ng mag-isa. Oisst! May mahal ka pa!

Love Quote: Kaagaw


Paano kung malaman mo na dalawa kayong nagmamahal sa isang tao? Ayaw mong masaktan kaagaw mo dahil friend mo siya. Ok lang ba na ikaw muna ang masaktan kahit alam mong ikaw ang mahal niya?

Love Quote: Tamang Hinala


Bakit minsan nagagalit tayo sa taong mahal natin? Kahit wala siyang ginagawang masama. Naghihinala na niloloko ka niya. Naghihinala ka ba dahil wala kang tiwala? O naghihinala ka dahil takot kang mawala siya?

Love Quote: Give Up


Masakit i-give up ang feeling ng isang tao. Pero minsan kailangang gawin dahil sa sakit. Pero ang tunay na masakit eh yung aminin mo sa sarili mo na ang ginive-up mo ay yung taong alam mong makapagpapaligaya sa 'yo.

Love Quote: Pirated


Minsan corny ang "I love you" pero masarap pakinggan dahil nakatataba ng puso. Pero nun yun, di na ngayon. Kasi di mo alam kung totoo o ginugudtime ka lang! Dahil pati puso ngayon pirated na!

Love Quote: Mahal Mo na ba?


Kung sa bawat sulyap niya masaya ka na. Sa ngiti at bati niya kilig ka na at kumpleto araw mo pag nakikita mo siya. 'Tol, tanong ko lang, crush mo lang ba o mahal mo na?

Love Quote: Ayoko


Ayokong pagbawalan ka, di ka na bata. Ayokong pagsabihan ka, di ako parents mo. Ayokong magalit sa 'yo baka mag-away pa tayo. Ito lang sasabihin ko, love kita kaya ingatan mo sarili mo.

Love Quote: Kapag in Love


Kapag in love ka di mo alam ang mali, para sa 'yo lahat tama. Pero panu kung alam mong may iba na ang taong mahal mo? Tama pa rin bang magpakatanga ka dahil lang sa in love ka sa kanya?

Love Quote: Sorry


Sorry kung hinayaan kong sarili kong mahalin ka. Sorry kung di ko magawang iwasan ka. Pero kung mali man 'to ayoko ng itama. Minahal kasi kita ng di ko sinasadya.

Love Quote: Napurnadang Pag-ibig


Ba't ganun minsan nga lang magmahal napupurnada pa? Mahalin mo siya paglalaruan ka. Iyo na aagawin pa dahil may umepal na iba. 'Langya! Pag-aari mo na ba't nagawa pang landiin ng iba?!

Love Quote: Kung Bakit Kita Mahal


Alam ko isang araw tatanungin mo ako kung bakit kita minahal? Wala akong maisasagot, alam mo kung bakit? Simple lang ang pagmamahal kusang nararamdaman kahit walang dahilan.

Love Quote: Pinakawalan Mo Pa Kasi


Nagsisisi ka? Bakit? Dahil pinakawalan mo pa, mahal mo pala! Bakit binalewala mo lang? 'Yan tuloy umiiyak ka habang ang dating baliw sa 'yo maligaya na sa piling ng iba!

Love Quote: Nakakapagod Magmahal


Nakakapagod din palang magmahal kahit ganu mo kamahal ang isang tao. Darating din ang araw na isusuko mo siya. Di dahil di mo na siya mahal kundi masyado ka ng nasasaktan dahil di ka niya kayang pahalagahan.

Love Quote: For Life


Hindi sa lahat ng panahon may magmamahal sa 'yo, may handang umunawa, may gustong mag-alaga. Hindi sa lahat ng oras may taong andyan para sa 'yo. Pero ako for life...magmamahal sa 'yo.

Love Quote: Ano ba Ako sa 'Yo?


Di ko alam kung ano nga ba ako sa buhay mo? Sa pagkatao mo? O sa puso mo? Meron man o wala gusto ko lang sana itanong sa 'yo. May halaga ba ang isang tulad ko?

Love Quote: Mahirap Umasa


Mahirap umasa sa tamang pag-ibig, di mo alam may darating pa. At pag dumating ang totoong pag-ibig mamili ka kung saan ka masaya. Sa tama ba o sa totoo?

Love Quote: Ikaw


Pag may bagay na mawawala sa akin, puwede wag ikaw? Kung may taong lalayo sa akin sana di ikaw. Kung may tao na makakasama ko habambuhay, favor naman o, puwede ikaw na lang?

Love Quote: Kahit Magkalayo Tayo


Maaaring malayo ako sa iyo pero hindi ito ang dahilan para ikaw'y kalimutan ko. Maaaring hindi tayo laging nagkakasama pero sa puso't isipan ko lagi kitang naaalala dahil mahal kita.

Love Quote: Ayos Lang


Di ba kahit sobra tayong nasasaktan ngumingiti pa rin tayo kahit masakit? Madali tayong nakakapagpatawad. Alam mo kung bakit? Kasi kapag mahal mo ang isang tao lahat ayos lang.

Love Quote: Sa Bawat...


Sa bawat lungkot na nadarama mo, sa bawat luha na pumapatak, sa bawat sakit na dinaranas mo. Sana maalala mo na may yayakap at magsasabing, "mahal kita."

Love Quote: Akala Natin


Akala natin madali lang mag-move on, madali lang makalimot, madali lang mag-pretend. Mahirap pala lalo na kung ang taong gusto mong kalimutan ay yung taong minahal mo ng lubusan.

Love Quote: Kahit Sobrang Sakit na


Madalas nagkukunwari tayo pag nasasaktan sasabihin natin, "Wala yun no!" Pero pag nag-iisa na di maiiwasan iiyak din tayo at ang masasabi na lang natin ay, "Mahal pa rin kita kahit sobrang sakit na!"

Love Quote: Follow Your Heart


If you love someone set him free. If he comes back he's yours. If he doesn't he never was. When you confused about love follow your heart. It may not always be right but you have memories that will make you smile, "Shit! Nagkamali na naman ako!"

Love Quote: Mahirap Pala


I was first hurt by someone I really love. I don't want to give up even if it hurts. But one day I did asking why? Pagod na ako...mahirap palang magmahal ng taong di para sa 'yo.

Love Quote: Perpekto


Mahirap maging perpekto sa taong mahal mo, nagbago ka dahil sa kanya. Nagpakababa ka dahil sa kanya. Pero ang masakit perpekto ka na iniwan ka pa!

Love Quote: Hindi Lahat


Isang araw puedeng mawala yung pag-ibig na iniingatan ko. Lahat ng saya mauuwi na lang sa alaala. Hindi lahat ng pangarap matutupad. Pero ganun daw talaga, hindi lahat ng hawak ko ay akin na!


Thursday, April 2, 2015

Love Quote: Basura


Masakit pag nakikita mo yung mahal mo na nasasaktan dahil sa mahal niya. Wala ka namang magawa kasi wala kang karapatan. Maiisip mo na lang, "Bakit ang taong pinapangarap ko binabasura lang ng ibang tao?!"

Love Quote: Paghihintay


Minsan sinubukan kong maghintay ng matagal pero walang nangyari. Umasa nang husto at nagbakasakali. Saka ko lang naisip ba't ko pa hihintayin kung di na puede? Dahil lahat pala di na maibabalik pa sa dati.

Love Quote:Kahit Wala na Tayo


Sana kahit wala na tayo malaman mong andito pa rin ako para sa iyo. Magbago ka man ako pa rin ang dating inibig mo. Handang iabot ang kamay kung kailangan mo tulong ko dahil mahal pa rin kita dito sa puso ko!

Love Quote: Halaga


Di ko alam kung ganu ka sa akin kahalaga basta alam ko para sa akin importante ka!'Kaw kasi yung tipong di ko ipagpapalit sa iba at iniingatan ko talaga. At kapag nawala ka sa buhay ko ay ikababaliw ko na!

Love Quote: May Dahilan


Lahat ng bagay may dahilan, may dahilan para ngumit at tumawa. May dahilan para magmahal, may dahilan para mabuhay. Pero alam mo ba sa lahat ng ito ikaw ang dahilan ko kaya nakakaya ko anumang hirap na pinapasan ko?