Saturday, June 11, 2016

Love Quote: Matagal Lang Talaga


Di porke't matagal na ang isang relasyon, ito na ay panghabambuhay. Matagal lang talaga nila  bago maisip na kailangan nilang magkahiwalay.

Love Quote: Gustong Tumikim ng Iba


May pag-ibig na matamis lang sa una. Pero habang tumatagal ay umaasim o pumapait na. Sa isang relasyon, di maiiwasang may nag-iiba ng panlasa dahil ang gusto ay tumikim naman ng iba.

Love Quote: Sobrang Selos


Hindi masamang magselos  basta nasa lugar lang. May selos kasi na tamang hinala o nambibintang. Kaya bago magselos alamin ang buong katotohanan. Tandaan, ang sobrang selos, nakakasira ng magandang samahan.

Love Quote: Sila na Lang Magpakatanga


Kapag nagmahal ka raw wag mong titingnan ang mali ng iyong kapareha. Pero paano kung laging ganun at tipong bara-bara? Di marunong humawak ng relasyon at walang pagpapahalaga. Aber, sila na lang ang magpakatanga!

Love Quote: Iyak na Lang


Mahirap bumitaw sa isang relasyon lalo na't gusto mo pa. Pero anong magagawa mo kung inilalaglag ka na? Wala kang magagawa kundi ang umiyak at magbuntong hininga. Tatanggapin mo na lang kung 'yun ba ang kanyang ikakasaya.

Love Quote: Walang Perpekto


Sa pag-ibig, kahit ano ang gawin mo di ka makakahanap ng perpekto. Para bang laging may kulang na kung ano. Pero ang importante lang naman ay marunong kang makuntento. At siyempre, yung minamahal ka ng totoo.

Love Quote: Di Lahat Nang Hawak Mo ay Iyo na


Minsan akala mo lahat ng bagay na hawak mo ay iyong-iyo na. Pero hindi pala dahil kahit gaano mo ingatan puwede pa ring mapunta sa iba. Ganun talaga, di lahat ng tao marunong magpahalaga.